Friday, May 29, 2009

Coming Soon...



Babae™ - Tribute to all women in the world specially for the Filipino Women.
Hiphop Pinoy™ - for the Filipino Hiphops
Talento ng Pinoy™ - For the Great Filipino Talent!
Formula™ - for all Juan Tamads out there! =)

and More to Come...

Pinoy Pacman™ - A tribute to the great Philippine Boxer!!!

For the Pound for Pound King Ever...





PINOY PACMAN™
by: Jayson Diwa

Chorus:

Pacman2x, sa bagsik ng kamao tutumba ang iyong kalaban
Pacquiao2x, sa tindi ng yong galing ang pinas nangingibabaw.
Pacman2x, ang lahat sumasaludo sa taglay mong kagalingan.
Pacquiao2x, walang katulad ang pinoy sapagkat tayo'y number one.

Pambihira ang Pinoy ika nga ni master Kiko
Cguradong pati banyaga satin ay yumuyuko
Parang Katulad ng ating pambansang Kamao
Sikat na sikat pero dehins lumaki ang ulo

Pound for Pound King at Number one sa ring
Ngayon tinatayang pinakamagaling sa boxing
At never uurong at magmamagaling
Dahil katulad nya'y kakaiba ang dating

Nagsimula ng mahirap at simpleng pamumuhay
Nagsimulang magsumikap at harapin ang tunay
na pagtitiyaga at abutin kanyang pangarap
Kaya tignan mo ngayon kanyang hinaharap

sa Nagdaan na panahon kaydami nyang binaon
Mga Career nag-end ang iba nama'y tumilapon
Umikot ang ulo, Nabasag ang mukha
Nawalan ng malay, pumikit ang mata

Mga mexicano'y kanyang pinatumba
Madaming mga lahi, Briton at iba pa
Tunay na mandirigma, puso'y di magigiba
Inangat ng kanyang Kamao ang pangalan ng bansa

At wag matutulala sapagkat yan tunay
Of all the greatest boxer pwedeng pwede cyang ihanay
O manguna, Number Fighter sa mundo!
taon taon nalang umaani ng respeto.

Chorus

The Hatton Song™ - A Cheer for Manny Pacquiao!

I Created this 3 days before the fight. I was amazed because everything that i said in the song really happened?!!! =)



The Hatton Song™
by: Jayson Diwa


CHORUS:

HATTON2X BIGLA KANG TITILAPON

HATTON2X HINDI KANA BABANGON

HATTON2X WAG KA NANG UMASA

PAGKAT KE PACMAN IKAW AY BUBULAGTA.

1
DI MANANALO ANG BRITON SA PINOY
KAHIT IKAW PA AY PINANGANAK NA TISOY
ANG TIKAS AT PORMA CGURADONG WLANG PANAMA!
DAHIL ANG MGA LAHI NAMIN AY DI BASTA BASTA
2
DUGONG PALABAN AT DUGONG NUMBER ONE
PAMBIHIRA ANG LAKAS AT SADYANG NAPAKATIKAS
ANG IYONG MGA TUHOD AY BIGLANG MANINIGAS
UURONG YONG BUNTOT MAWAWALA ANG IYONG ANGAS
3
KAYA IBIGAY MO NA ANG LAHAT NG IYONG KAYA
DAHIL ANG PAMBANSANG KAMAOY CGURADONG OOPENSA
HINDI KA TITIGILAN HINDI KA UURUNGAN
GANYAN AMING LAHI MGA LAHING PALABAN
4
AT SA BANDANG HULI AY IYONG MALALAMAN
PAGMULAT MO NAKATAYO PARIN C PACMAN
PANALO PARA SA PINAS PANALO AMING BAYAN
DITO MO MASUSUKAT ANG AMING KAKAYAHAN

CHORUS2X

A Song for Mothers Entitled "Ikaw lang Oh Inay"



IKAW LANG OH INAY™
by: Jayson Diwa


chorus:

Ikaw lang oh Inay ang aking Kailangan

Ang aking sandalan sa buhay

Ikaw din nagbigay sa akin ng lahat

Pagmamahal mo ay tunay at tapat (2x)


Nang ako ay makakakita, ikaw ang unang nakilala
Sa aking pagiisip, ikaw ang syang kasama
ang yong mga bisig lagi akong karga
Naririnig ang yong tinig gabi at umaga

Mula sa pagkabata ikay laging nakasubaybay sakin
kahit anong mangyari
Walang pinipiling oras at araw
Dampi ng yong ngiti ang puso nami'y sumisigaw

Ikaw lamang ang syang unang nagaaruga
Unang nakakaramdam ng takot at pagkabahala
at sa mga oras na ika'y aming kailangan
wala pa kaming hinihiling, meron ng kasagutan

Ang sang katulad mo ay dapat na alayan
wala kami sa mundo kung ika'y napanghinaan
Aming maliit na buhay sayo ay aming utang
Kahit kailan ay hinding-hindi kayang tumbasan

Ng Kahit anong sa mundo'y napakahalaga
Materyal na bagay, kasikatan o pera
anu mang itapat sa iyo'y mawawalan ng kwenta
Di na mamimili walang iibigin pa

Kundi ikaw lang oh mahal kong Ina
Pakikinabangan mo nalang ibibigay mo pa
sa iyong mga anak, wala sayong paghihirap
Basta sila'y maayos, mata mo'y kumikislap

At kahit anong mangyari, kahit anong pagsubok
Matagumpay mong sinuong, matagumpay na pinasok
Para sa amin, ika'y hulog ng langit
na para bang anghel sa buhay nami'y nakakapit

Chorus

Long Live the Master Rapper™ A Tribute song for the Great Master Rapper of the Philippines!

CLICK ON THIS IMAGE TO SEE FULL SIZE...



I MADE THIS FOR YOU LAST NYT MASTER...

I created a song 8 hours after you're gone. but you're still living inside our hearts & mine also, so i grabbed by pen and started listening to what my mind and my heart was saying. I fronted my PC and take a seat, got some silence, breath in breath out and smile even if it was hard to do.
I'm so much inspired bout writing this song and overwhelmed that words are great coming out of my hand because it's the one moving but the real score is i'm writing what i'm feeling...
Sadness' Yes! but on the other part Gladness that somewhere, somehow, somewhat, whatever & wherever you are Sir Francis, We all know and feel you are Happy. Because you've accomplished a full package of Life in this world, in this life. We & they always will remember you and every move you've made. You are greatly appreciated in this world and now, greatly will be Forever.

"We love you" Bon Voyage''''' =)

He is worth a lot! Just try to sum up everything bout him anything he have done, he's not just a musician. A very proud Filipino, loyal to this country & to our culture.
Just wanna bid farewell to you "Master Rapper"!
You are worth more the million...
May you rest in peace & Harmony with our Almighty God...

Long Live the Master Rapper™
by: ©Jayson Diwa 03-06-2009

Long live the master, Long live the King
Long live the Music, this is wat i mean
Long live the Master, Long live the king
Long live forever, Francis M.


Pinanganak kang may ginto sa'yong nguso
subali't tulad mo'y nanatiling respetado
Idolo at Hinahangaan
Magandang Halimbawa sa lahat ng kabataan

Ang yong mga gawa at iyong salita
ginagamit ng mabuti yong talento sa tama
kaya nabansagan only one master rapper
lumaban sa sakit at hindi sumurender

+chorus+

sa larangan ng rap sadya kang nag-iisa
maituturing na isa sa mga hari ng industriya
Ika'y kakaiba, sadyang grabe talaga
Khit kanino jan ay di ka pwedeng ikumpara

ang yong awitin mga letra tumatak sa'ming isipan
damang-dama namin ang puso mong pinaglalaban
Isa kang pinoy at tunay yan!
Dito sa Pinas mananatili kang huwaran.

+chorus+

At sa iyong pagtungo sa iyong pupuntahan
andame dame mo nman ditong iniwanan
subalit sadyang ganyan at hindi maiiwasan
ang sang katulad mo'y hindi namin malilimutan.
ingat kana lang at sana ay lumigaya
papano na kayang rap industry pag wala ka?
hwag kalimutang ngumiti pad nandon kana
hinding hindi mawawala ang yong Halaga!









E6E6E6
101010eUUBaq2lpg

Long Live The Master Rapper - Jayson Diwa